
Cauayan City – Nakapag-uwi hindi lamang ng isa kundi dalawang parangal ang Public Employment and Service Office San Manuel sa katatapos na 2024 Year-End Performance Assessment.
Naganap ang aktibidad noong ika-6 hanggang ika-7 ng Pebrero sa Java Hotel, Laoag, Ilocos Norte kung saan dalawa sa tatlong major awards ang natanggap ng PESO San Manuel, kabilang na rito ang pagiging “Top Performer in the Implementation of Career Development Support Program (CDSP) sa rehiyon sa ilalim ng 4th-6th Class Municipality Category”, at “Top Performer in the Referral and Placement in the Region under the 4th-6th Class Municipality Category”.
Maliban dito, nakatanggap din ng certificate ang PESO San Manuel dahil sa tagumpay na implementasyon ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD), at Government Internship Program (GIP).
Ang mga parangal at pagkilalang ito ay bunga ng maayos na pagbibigay serbisyo ng ahensya sa mga residente ng nabanggit na bayan.