Reklamo laban sa ilang vlogger na sangkot umano sa fake news, inihain ng NBI sa DOJ

Nagsampa ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa apat na vlogger na nagpakalat umano ng mga pekeng impormasyon upang galitin ang Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Senior Agent Raymond Macorol ng NBI Criminal Intelligence Division, sangkot umano ang apat sa mga spliced o minanipulang video kung saan pinalalabas ang utos umano para ipaaresto ang OFWs.

Layon nito na hikayatin ang OFWs na huwag magpadala ng remittances sa Pilipinas.

Tumanggi naman ang NBI na pangalanan ang apat pero ang tatlo ay nasa Saudi Arabia, Canada at New Zealand.

Habang ang isa ay mula United Kingdom na umuwi na sa Pampanga at kasalukuyang nakabakasyon sa Bohol.

Kabilang sa mga reklamong inihain ng NBI ay unlawful use of publication at mga paglabag sa anti-alias law at inciting to sedition.

Patuloy pa rin ang pagkalap ng ebidensiya ng NBI para sampahan ng reklamo ang iba pang sangkot sa pagpapakalat ng fake news kabilang ang mga nagse-share ng mga mali at mapanirang impormasyon.

Facebook Comments