Atty. Rafael Vicente Calinisan, itinalagang bagong vice chairperson at executive officer ng NAPOLCOM

Nagtalaga ng bagong vice chairperson at executive officer si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Police Commission (NAPOLCOM), sa katauhan ni Atty. Rafael Vicente Calinisan.

Papalitan ni Calinisan sa pwesto si NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Ricardo Bernabe.

Si Calinisan ang mangangasiwa sa pang-araw-araw na operasyon at mga gawaing administratibo ng ahensya, na may mahalagang papel sa pagsusulong ng mga reporma sa pulisya at pagtiyak ng pananagutan sa loob ng Philippine National Police (PNP).

Bago ang kaniyang pagkakatalaga, nagsilbi na ring NAPOLCOM Commissioner si Calinisan.

Facebook Comments