Friday, May 29, 2026

Reklamo ng PNP-CIDG laban kay Sen. Robin Padilla, isasailalim sa masusing evaluation ng DOJ

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na idadaan nila sa karaniwang proseso ng pagsusuri ang reklamong obstruction of justice na inihain ng PNP-CIDG laban kay Sen. Robin Padilla.

Ito’y matapos na pormal na matanggap kahapon ng DOJ ang kopya ng reklamo laban sa nasabing senador.

Ayon kay Justice Spokesman Atty. Polo Martielnez, tulad ng ibang gaya reklamong inihahain sa DOJ, susuriin ito alinsunod sa mga itinakdang pamamaraan at alituntunin

Aniya, kung makikitaan ng sapat na basehan at bigat ang mga isinumiteng ebidensya ay pormal na magsasagawa ng isang malalimang preliminary investigation.

Paliwanag ni Martinez, layunin ng nasabing imbestigasyon na matukoy kung mayroong sapat na patunay para pormal na sampahan ng kaso sa korte si Sen. Padilla.

Facebook Comments