Thursday, October 8, 2026

Rep. Leandro Leviste, hindi pa itinuturing na ‘pugante’ — DOJ

Hindi pa maituturing na pugante o fugitive from justice si Congressman Leandro Leviste kahit may warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) OIC Senior Deputy State Prosecutor Herbert Calvin Abugan, may proseso munang kailangang pagdaanan bago ideklarang fugitive from justice ang isang akusado.

Ito’y taliwas sa pahayag ni NBI Director Melvin Matibag na pugante na si Leviste dahil hindi pa ito sumusuko sa korte.

Sinabi ng DOJ na maaari pa ring humarap si Leviste sa korte, kabilang sa arraignment na nakatakda sa October 26.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na maaaring ikonsidera ang pagkansela sa passport ni Leviste para matiyak ang pagharap nito sa kaso.

Nasa Kongreso naman ang hurisdiksyon sa travel authority ni Leviste, habang maaaring aksyunan ng DOJ ang kaniyang travel documents.

Iginiit ni Vida na dapat harapin ni Leviste ang kaso at sundin ang warrant na inilabas ng korte.

Facebook Comments