Thursday, October 8, 2026

Defense team, iaakyat sa Korte Suprema ang usapin kaugnay sa pagbasura ng COA sa mosyon ni VP Sara sa ₱73-M confi funds

“Hoping for the best and expecting for the worst”.

Ito ang pahayag ni defense counsel Atty. Michael Poa kasunod ng pagbasura ng Commission on Audit (COA) “with finality” sa motion for reconsideration ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng disallowance sa ₱73 million na confidential fund spending ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022.

Dahil dito ayon kay Atty. Poa, ay iaakyat nila ang nasabing usapin sa Korte Suprema.

Sa ngayon ay hindi pa rin umano natatanggap ng panig ni VP Sara ang kopya ng nasabing resolution ng COA.

Kaugnay nito nang tanungin naman kay Atty. Poa ang naging pahayag ni House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na maaaring mapalakas ng nasabing resolution ang impeachment case laban sa bise, sinabi nito na prerogatiba ito ng proseksyusyon at hindi naman sila nawawalan ng legal na remedyo ukol dito.

Facebook Comments