REROUTING PLAN PARA SA UNDAS SA DAGUPAN CITY, INILABAS NA

Inilabas na ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan City ang plano sa rerouting plan para sa Undas 2026 bilang gabay sa mga motorista at mga bibisita sa mga sementeryo.

Batay sa ulat, kabilang sa mga pangunahing pagbabago ang pagsasara ng Galvan Street at pagpapatupad ng one-way traffic sa Perez Boulevard, A.B. Fernandez Avenue, Zamora Street at A.B. Fernandez West.

Mananatiling two-way naman ang daloy ng sasakyan sa Rizal Street, Burgos Street at Amado Street.

Mahigpit ding ipatutupad ang pagbabawal sa paradahan sa magkabilang gilid ng Bonifacio Street.

May itinakdang pasukan, labasan, paradahan at babaan naman ng mga pasahero sa isang pribadong sementeryo sa bahagi ng A.B. Fernandez Avenue.

Ayon sa POSO, kailangang sumunod ng mga bibisita sa mga traffic enforcer, gumamit ng mga alternatibong ruta at maglaan ng dagdag na oras sa biyahe para maiwasan ang abala dahil sa posibleng pagsisikip ng trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments