Inaasahang magsasama-sama ang mga running enthusiast sa Takbo Para sa Sagip: CAGPTD Color Fun Run for a Cause sa Nobyembre 28 sa FPJ Esplanade and Eco Park sa Barangay Bocboc, San Carlos City, Pangasinan.
Maaaring pumili ang mga kalahok sa 3-kilometer at 5-kilometer na takbuhan, na may registration fee na ₱350.
Nakatakdang magsimula ang pagtitipon ng mga runner alas-kuwatro ng madaling-araw.
Ayon sa San Carlos City Police Station, isasagawa ang fun run bilang bahagi ng isang gawaing pangkawanggawa o run for a cause.
Hinikayat naman ang mga interesadong sumali na magparehistro sa ibinahaging proseso ng mga organizer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











