
Nire-review na ng Reserve Command ng Philippine Air Force o PAF ang mga umiiral na polisiya sa paggawad ng awards at pagootorisa sa pagsuot ng honorary badges at insignia ng mga reservists.
Ito ay kasunod ng mga concerns kaugnay sa military service at mga pagkilalang natanggap ni PAF reservist Brigadier General Michael Odylon Romero.
Binigyang-diin ng PAF na ang military status, assignments at recognition ng kanilang mga tauhan ay makikita sa opisyal na records ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco, ang lahat ng awards at badges na sinusuot sa military uniform ay dapat na sinusuportahan ng General Orders at opisyal na dokumentasyon .
Tiniyak naman ng Reserve Command ng PAF na makikipagugnayan sila sa mga major services ng AFP, kung saan irereview nila at palalakasin ang mga umiiral na polisiya para sa maayos na dokumentasyon, pagsunod sa itinatakdang protocol at sa integridad ng military awards at sistema sa pagbibigay pagkilala sa mga ito.










