
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) at National Power Corporation (NAPOCOR) na sapat at tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente sa Mindanao habang isinasagawa ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa rehiyon.
Sa isinagawang Press Conference ng DOE ngayong araw, nabanggit ng ahensya na nakaranas man ng bahagyang line fault ang Malusong sa Basilan, hindi naman nito naapektuhan ang kabuuang proseso ng botohan.
Kasalukuyang mayroon pang 18 voting centers na bukas para sa isinasagawang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Dagdag ng ahensya, matagumpay nang naipadala sa Commission on Elections ang 97.81% ng kabuuang boto mula sa Mindanao.
Facebook Comments










