
Binawi na ng Land Transportation Office o LTO sa loob ng dalawang taon ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach, kaugnay ng aksidenteng kinasangkutan niya sa Marcos Highway sa Antipolo City noong Agosto.
Batay sa imbestigasyon at pagdinig ng LTO, matinding pagod at nakatulog umano ang aktor dahilam para mawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan at bumangga sa tatlong establisimyento.
Dahil dito, napatunayang lumabag sa reckless driving ang aktor at idineklarang improper person to operate a motor vehicle, dahilan para bawiin ang kanyang lisensya sa loob ng dalawang taon.
Nananatili ring naka-alarm status ang sasakyang sangkot sa aksidente.
Facebook Comments










