Monday, September 14, 2026

Imbestigasyon sa mga substandard na bakal sa flood control projects, paiigtingin pa —PBBM

Patuloy na tinututukan ng gobyerno ang imbestigasyon sa paggamit ng substandard na bakal at iba pang materyales sa konstruksyon dahil posibleng mas malawak pa ang problema.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong una ay inakala ng gobyerno na iilan lamang ang sangkot, ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon ay posibleng mas marami pa ang natutuklasan.

Batay sa mga rekord ng pamahalaan, nagsimula umano noong 2018 ang paglaganap ng paggamit ng substandard na materyales.

Nagbabala ang pangulo na delikado ang paggamit ng substandard na bakal dahil maaaring makompromiso ang tibay ng mga gusali at iba pang istruktura.

Patuloy ding inaalam ng gobyerno kung gaano kalawak ang operasyon at kung ilang gusali na ang maaaring naapektuhan.

Giit ng pangulo, kailangang mabisto ang mga substandard na materyales bago pa man magamit sa konstruksyon, kaya dapat ding palakasin ang inspeksyon sa mga bakal.

Facebook Comments