Ridership sa LRT at MRT noong pre-pandemic, hindi pa naaabot

Hindi pa ganon kadami ang mga sumasakay ng MRT at LRT.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of Trasporation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John Batan na sa ngayon ay hindi pa naaabot ang bilang ng mga mananakay ng tren noong bago magsimula ang pandemya.

Ani ni Batan, bagama’t unti-unti nang tumataas ang bilang ng mga pasahero pero hindi ito kasing dami noong pre-pandemic.


Sa ngayon, ang ridership ng LRT-1 kada araw ay 182,000 kumpara noong pre pandemic na 400,000 kada araw, ang LRT-2 ay 59,000 ang mga pasahero sa ngayon mula sa dating 160,000 at 220,000 sa MRT-3 mula sa dating 270,000 – 300,000 kada araw.

Paliwanag ni Batan, hindi pa kasi nag-face to face ang classes ang ilang mga paaralan at ang ibang manggagawa ay naka work-from-home arrangement pa rin kaya’t hindi pa ganon kadami ang mga sumasakay sa tren.

Una nang tiniyak ng DOTr na hindi na nagkakaaberya ang mga tren dahil palagi itong minementena o dumadaan sa maintenance check.

Facebook Comments