Robin Padilla, thankful sa asawa nitong si Mariel Rodriguez sa paggabay sa mga anak nito na magiging mommy na

91

Manila, Philippines – Excited na ibinahagi ni Robin Padilla ang malaking pasasalamat nito dahil sa patuloy na pagbibigay ng guidance ng asawa niyang si Mariel Rodriguez sa kaniyang mga anak na sina Queenie at Kylie sa nalalapit nilang pagiging mga mommy.

Kuwento ni Robin, si Mariel ang laging nakakausap ni Kylie sa buong araw tungkol sa kaniyang pagbubuntis at tanging dasal lang ang magagawa niya bilang isang ama para dito.

Say pa niya na hindi naman masama kung halos magkakaedad ang panganay niya kay Mariel at sa mga magiging apo niya sa mga anak na babae.

Dagdag pa ni badboy, masarap sa pakiramdam na habang hindi pa siya tumatanda ay makakasama niya ang anak at apo sa mga projects na plano niyang gawin.

Aabangan naman ngayon ang bagong project na pagbibidahan ng mga Padilla kung saan ipapalabas ito ngayong Nobyembre.
DZXL558

Facebook Comments