SAPAT NA | CLASSROOM SHORTAGE SA BANSA, NATUGUNAN NA – DEPED

Manila, Philippines — Tiniyak ng Department of Education na nasolusyunan na ang kakulangan ng silid-aralan na malimit na problema sa tuwing pagbubukas ng klase.

Sa isang panayam, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na mula sa 79 percent na natukoy na problema ng shortage sa classrooms, 75 percent na ang kanilang nasolusyunan.

Sa katunayan aniya, sa National Capital Region na may mga naitatalang siksikan sa mga classroom, nasa 85,000 na dagdag na classroom ang makukumpleto ngayong 2018.


Dahil dito, ang ratio na ng guro at estudyante ay 1 teacher is to 40 students na.

Nakatulong din aniya ang pagpapatupad ng double shifts sa mga klase at ang pagpapahiram ng gusali ng ilang institusyon.

Idinagdag ni Briones na bagamat malaki ang pondo ng kagawaran sa pagtatayo ng school buildings,nahihirapan pa rin ang kagawaran sa paghahanap ng lugar o lote na pagtatayuan ng mga school building.

Facebook Comments