SARADO | Ilang kalsada sa Metro Manila, isasara dahil sa konstruksyon ng LRT-2 east extension at MRT-7

Manila, Philippines – Isasara ang ilang lanes ng Marcos highway para sa pagtatayo ng Emerald station na bahagi ng LRT-line 2 east extension project.

Ayon kay MMDA Genaral Manager Jojo Garcia, inilatag na ang mga schedule ng lane closures.

Tuwing Linggo at Lunes – sarado ang northbound lanes (mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga)


Tuwing Martes at Miyerkules, sarado ang eastbound lanes (mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga)

Tuwing Huwebes, isasara ang northbound lanes (mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga)

Tuwing Biyernes, sarado ang northbound lane (tanghali hanggang alas-5:00 ng umaga); habang kapag sabado ay mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Sa abiso ng MMDA, magtatagal ito hanggang Oktubre.

Dito, inaabisuhan ang mga motorista na dumaan na lang sa sumulong highway, sa Gil Fernando o Tuazon, sa Ligaya, Dela Paz area, sa Ortigas extension, at sa A. Bonifacio Avenue.

Pansamantala ring isasara ang ilang kalsada sa Quezon City simula bukas ng gabi para magbigay daan sa konstruksyon ng MRT line 7.

Sa abiso ng MRT-7 management task force, ang northbound at southbound lanes ng regalado extension mula Bristol Street hanggang Commonwealth Avenue ay isasara mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng martes.

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan ng alternatibong ruta.

Ang MRT-7 project ay isang rail system na bibiyahe mula North Avenue, QC hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Facebook Comments