Sunday, June 7, 2026

44 basyo mula sa apat na baril sa senate gun related incident, lumutang sa imbestigasyon ng PNP; Aplasca, muling ipatatawag matapos hindi humarap sa imbestigasyon

Muling ipapatawag ng Philippine National Police (PNP) si Senate Sergeant-at-Arms retired major general Mao Aplasca matapos itong hindi humarap sa imbestigasyon kaugnay ng Senate gun-related incident.

Sa Malacanang press briefing, sinabi ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na nais nilang makuha ang paliwanag ni Aplasca tungkol sa 23 fired cartridges na kabilang sa mga ebidensyang narekober sa lugar ng insidente.

Nilinaw rin ng PNP na hindi pa kumpirmado kung ilang tao ang nagpaputok ng baril, kahit lumabas sa imbestigasyon na ang 44 basyo ay mula sa apat na magkakaibang firearms.

Samantala, kinuwestiyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung bakit walang inilatag na perimeter security sa lugar kahit katatapos lamang ng insidente at mandato ng mga security personnel na tiyaking ligtas ang gusali.

Nakakapagtaka aniya na pagdating niya sa Senado ay walang nagbabantay sa eksaktong lugar kung saan nangyari ang putukan.

Facebook Comments