
Tuloy- tuloy ang ginagawang psychosocial support ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nakaligtas mula sa gumuhong gusali sa Angeles, Pampanga.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec Irene Dumlao, layon nitong makarekober agad ang mga construction worker sa nangyaring trahedya.
Sinabi rin ni Asec. Dumlao na inaasikaso na rin nila ang pag-uwi sa probinsya ng mga biktima.
Katunayan nasa siyam na ang nakauwi habang ang iba ay babalik na rin sa Samar at Bicol ngayong linggo.
Pagkakalooban din ng tig-P10,000 tulong pinansyal ang mga biktkima at pagkakalooban ng posibleng livelihood o panibagong kabuhayan.
Facebook Comments










