Pinaigting ng mga awtoridad ang seguridad sa Federico N. Ceralde Integrated School (FNCIS) sa Barangay Bonuan Binloc matapos makatanggap ng online security threat noong nakaraang linggo.
Ayon sa pamunuan ng Barangay Bonuan Binloc, buong araw na nagbantay ang mga Barangay Tanod katuwang ang Dagupan City Police, administrasyon ng FNCIS, at mga opisyal ng barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.
Binigyang-diin ni Punong Barangay Wilmer Castanares ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagharap sa mga banta sa seguridad.
Nanawagan siya sa mga residente, gayundin sa mga magulang at mga opisyal ng paaralan, na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapigilan ang pagkalat ng mga mapanlinlang na mensahe at anumang gawaing maaaring magdulot ng takot at kaguluhan sa komunidad.
Hinimok din ng barangay ang publiko na maging mapagmatyag at mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa internet at social media, at agad na iulat sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang aktibidad o mensaheng may banta sa kapayapaan at kaayusan.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, patuloy ang koordinasyon ng Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City Police, at pamunuan ng Federico N. Ceralde Integrated School upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at mapanatili ang isang ligtas at payapang kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Iginiit naman ng buong Sangguniang Barangay na walang puwang sa kanilang komunidad ang anumang uri ng pananakot o gawaing naglalayong sirain ang kapayapaan, at tiniyak nilang mananatiling nakaalerto ang kanilang hanay upang maprotektahan ang kapakanan ng bawat residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments