Pinalalakas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Welfare Office 1 ang kakayahan ng mga lider ng OFW Family Circles (OFCs) sa Western Pangasinan upang higit na mapabilis at mapahusay ang pagbibigay ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.
Ito ang naging layunin ng unang araw ng dalawang-araw na pagsasanay na may temang “Strengthening the 24/7 Operations: Enhancing Gender-Responsive Welfare Case Management and Repatriation Assistance Training with OFC Leaders in Region I,” na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, Public Employment Service Office (PESO), at Alaminos City OFW Family Association (ACOFA).
Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan ng OFW Family Circles at OFC Leaders mula sa una at ikalawang distrito ng Western Pangasinan.
Layunin nitong palawakin ang kanilang kaalaman sa welfare case management at repatriation assistance upang maging mas maagap, episyente, at makatao ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga OFW, lalo na sa panahon ng krisis at emergency.
Ipinaliwanag ni OWWA Regional Director II Marivic L. Mondina na mahalagang mapalakas ang kakayahan ng mga OFC Leaders bilang katuwang ng OWWA sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga OFW.
Bilang bahagi ng pagsasanay, tinalakay ni Welfare Assistance Unit at Post-Arrival Repatriation Assistance Unit Head Dolly Ann G. Camacho ang operasyon ng 24/7 assistance ng OWWA, kabilang ang mga proseso sa pagbibigay ng agarang tulong at repatriation sa mga OFW na nangangailangan.
Nagbahagi rin si Glena Hella O. Agudera ng Welfare Assistance Unit ng mga pamamaraan sa wastong welfare case management upang matiyak ang maagap at episyenteng pagproseso ng mga kaso at paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa mga OFW at kanilang mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments