
Para kay House Majority Leader Rep. Sandro Marcos, hindi na dapat bigyang halaga o pansin ang mga alegasyon ng mga tinatawag nyang “fake Marines”.
Si Marcos ay kasama sa sinasabing tumanggap ng maletang may pera.
Ngunit giit ni Marcos, kalokohan ang nasabing paratang lalo’t wala ng kredibilidad ang mga nag-aakusa dahil pabago-bago ang kanilang mga kwento at mga indibidwal na inaakusahan.
Inihalimbawa ni Marcos si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na nasama sa listahan ng mga nabigyan ng maleta matapos syang sumapi sa Senate Majority Bloc kaya baka aniya sa susunod ay maisama na rin sa listahan ang pangalang “Mary Grace Piattos.”
Diin ni Marcos, makabubuting pagtuunan nila ang trabaho sa halip na bigyang-atensyon ang mga hakbang para mapabagsak o sirain ang gobyerno.










