Thursday, September 3, 2026

Sen. Alan Peter Cayetano, inakusahan si Senator Ping Lacson ng demolition job, trial publicity at witchhunt bunsod ng mga paratang laban sa kanya

Pumalag si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa unfair na akusasyon sa kanya ni Senator Ping Lacson tungkol sa mga anomalya ng flood control projects sa Taguig City.

Sa muling Facebook livestream ni Cayetano ay inakusahan niya si Lacson ng demolition job, trial by publicity at witchunt sa pagparatang sa kanya na may mga ghost at maanumalyang infrastructures sa lungsod.

Sinabi ni Cayetano na walang problema kung akusahan siya dahil public official siya pero hindi patas na iugnay sa kanya ang lahat ng proyekto at titulo sa Taguig na iniisyung ni-reclaim na bahagi ng Laguna Lake na sakop ng syudad.

Taliwas sa ibinibintang sa kanya, ipinagmalaki ng senador na isa o dalawang lugar na lang ng Taguig ang nagkakaroon ng flash floods dahil sa may engineering problem sa developers.

Nilinaw naman ni Cayetano na wala siyang galit kay Lacson at handa niyang sagutin ang mga alegasyon sa tamang venue.

Samantala, sa tugon naman ni Lacson, sinabi niyang lahat ng ebidensya ukol sa mga proyekto sa Taguig na nakalap ng kanyang opisina ay nakasumite na sa Ombudsman.

Facebook Comments