Thursday, September 3, 2026

Plenary sessions at budget hearings, pinayagan ng Senado na sabay na gawin

Pinayagan na ng Senado na sumabay sa plenary sessions ang mga pagdinig at pulong ng Senate Committee on Finance para sa 2027 national budget.

Inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang mosyon ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na suspindihin ng Senado ang kanilang rule 14 na nagbabawal sa pagsabay sa kanilang sesyon ng anumang committee hearings at meetings.

Dahil dito, hindi mamarkahang absent ang mga senador na nasa pagdinig ng budget kapag oras ng sesyon.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Zubiri na mananatiling bawal na sabayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ng anumang pagdinig kahit pa ng budget hearings dahil kinakailangang palaging present dito ang mga senator-judges.

Facebook Comments