Thursday, September 3, 2026

Paglubog sa baha ng ilang bahagi ng Central Luzon at NCR, patunay na dapat maisabatas agad ang panukalang CADENA

Umapela si Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro sa mga kasamahang mambabatas sa Kamara na iprayoridad ang pagpasa sa panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.

Diin ni Teodoro, napatunayan ang pangangailangan na maisabatas ang panukala matapos lumubog sa baha ang ilang bahagi ng Central Luzon at National Capital Region nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Teodoro, isinusulong ng CADENA Act ang higit na transparency sa paggamit ng pambansang budget upang matiyak na napupunta ang pera ng taumbayan sa itinakdang layunin nito.

Sa ilalim ng CADENA Act, ay inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na magpost sa isang Digital Budget Platform ng detalyadong mga dokumentong may kaugnayan sa badyet tulad ng mga kontrata, halaga ng proyekto, bills of materials, at mga rekord ng procurement.

Ang bersyon ng CADENA Act sa Senado na Senate Bill No. 1506, ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa noong Disyembre 15, 2025.

Facebook Comments