Sen. Antonio Trillanes, Pinangalanan Na Ang Nagbigay Sa Kanya Ng Mga Dokumento Na Naglalaman Ng Bank Accounts Ni Mayor

13

MANILA – Pinangalanan ni Senador Antonio Trillanes ang source na nagbigay umano sa kanya ng dokumento na naglalaman ng impormasyon hinggil sa mga bank accounts ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Sa nilagdaang affidavit ni Trillanes, isang Joseph De Mesa na dating supporter ni Duterte na nagbigay umano sa kaniya ng mga impormasyon noong April 21, 2016.Nagdesisyon umano si De Mesa na kumalas ng suporta kay Duterte nang makita nito ang mga bank account ng alkalde at ni Sara Duterte sa BPI Julia Vargas Branch sa Pasig at sa Edsa Greenhills branch gayundin sa Banco de Oro unibank sa Mandaluyong City.Sinabi ni Trillanes na ang mga dokumento na mula kay De Mesa ay ikinumpara nila sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte pero hindi ito nagtugma.Samantala, dismayado naman ang Senador dahil kahit nag-isyu siya ng affidavit, bigo ang abogado ni Duterte na mailabas ang history ng bank transactions ng alkalde, kahapon.Pero, Ayon sa abogado ni Duterte na si Attorney Salvador Panelo, humingi ang BPI ng pitong araw na palugit para mapag-aralan ang request ng kanilang kampo.Nakakuha na rin ang kampo ni Duterte ng kopya ng affidavit ni Trillanes at naniniwala silang bogus lang ito.

Facebook Comments