Wednesday, June 24, 2026

Negosyanteng si Manny Pangilinan, pinapatawag ng pnp kaugnay ng insidente ng pagkalunod ng 2 Ateneo basketball players sa Aurora

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG) ang ilang dating players at ang management ng Ateneo para sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay ng pagkalunod ng 2 Ateneo basketball players sa Aurora .

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, inaasahan na dadating ngayong araw si Fr. Nemy Que at bukas ay ipapatawag si Ateneo President Fr. Bobby Yap maging ang negosyanteng si Manny Pangilinan.

Ayon pa kay Remulla, huling dalawang araw na lamang at malapit nang matapos ang isinasagawa nilang imbestigasyon at inaasahang maisusumite na sa Department of Justice (DOJ) sa Biyernes ang kaso.

Pagtitiyak pa ng kalihim na maibibigay ang impormasyon sa publiko sa huling pagsusuri at maipapaliwanag na rin nila kung ano ang kanilang mga nakita sa imbestigasyon na ito.

Facebook Comments