
Nagtakda ng 40 araw na pagluluksa ang Ateneo de Manila University (ADMU) para sa pagkamatay ng dalawalang varsity players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Epektibo ang nasabing deklarasyon simula June 8 at magtatagal hanggang July 17, kasabay nang pagsasagawa ng iba’t ibang seremonya, gaya ng haft mast sa bandila ng nasabing unibersidad, araw-araw na misa sa College Chapel, at iba pa.
Ito umano ay bilang pakikiramay at paggunita sa dalawang student-athletes.
Samantala, hinimok naman ng pamunuan ng unibersidad na makiisa sa mga memorial activity ang mga academic unit at administrative office, bilang suporta sa naiwang pamilya, kaibigan at mga kasamahan ng dalawang atleta.
Facebook Comments










