Friday, June 19, 2026

Dismissal proceedings laban sa pulis na nangikil sa Albay, pinasisimulan na ng PNP

Pinasisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang dismissal proceedings laban sa doctor na pulis na inaresto sa isinagawang entrapment operation.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing pulis ay nangikil ng pera kapalit ng pagpasa sa medical phase ng nagpapatuloy na recruitment process ng pulisya.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nadismaya ito sa ginawa ng nasabing medical professional na nangumpermiso sa integridad ng recruitment system ng PNP.

Dahil dito,iniutos nito ang agarang imbestigasyon para matukoy ang lawak ng ginawang pangingikil ng nasabing naarestong pulis at sa posibleng pagkakaroon ng mas malaking sindikato kaugnay nito.

Binigyang-diin ng hepe ng Pambansang Pulisya na hindi kukunsintihin ng nasabing organisasyon ang ginawa ng kanilang tauhan.

Ayon pa sa kanya, pinapamadali na rin nito ang kriminal at pagtanggal sa nasabing pulis kasama na ang garantiyang matatanggal ang ranggo nito, ang mga benipisyo at permanenteng mabanned sa PNP.

Samantala, hinikayat din ni Nartatez ang mga aplikante at kanilang mga pamilya na agad iulat ang sinumang nag-aalok ng tulong sa recruitment kapalit ng pera kasabay ng pagbibigay-diin na walang anumang bayad na kinakailangan sa alinmang yugto ng proseso ng recruitment.

Facebook Comments