Isang lalaki na wanted sa kasong carnapping ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga alagad ng batas sa Barangay New Poblacion, Burgos, La Union.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Burgos Municipal Police Station (MPS), katuwang ang mga operatiba mula sa Regional Intelligence Division 1 (RID-1) at La Union Police Intelligence Unit (LUPIU).
Kinilala ang suspek na isang 21 anyos na panadero at residente ng Bagulin, La Union. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong carnapping.
Ayon sa mga awtoridad, itinakda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng ₱300,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa kustodiya ng Burgos MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mandatory return of warrant sa nagpalabas na hukuman. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







