Sen. Bong Revilla, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region

Nagpaabot na si Senator Ramon Bong Revilla ng tulong para sa mga kababayang hinagupit ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Sa Facebook live ni Senator Ramon “Bong” Revilla, ipinakita niya ang bayanihan truck na punong-puno ng relief goods na bumyahe na kagabi patungo sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.


Unang bibigyan ng tulong ang mga taga-Naga na isa sa mga matinding tinamaan ng bagyo.

Ayon kay Revilla, nakadepende ang paghahatid ng tulong sa lagay pa rin ng panahon at kung passable na ba ang mga kalsada at tulay roon.

Marami kasi aniyang tulay at kalsada ang sinira dahil sa mga landslide at umagos na lahar dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ni Kristine.

May inaayos pa aniyang relief packs ang kaniyang tanggapan para naman sa iba pang lugar na tinamaan din ng bagyo.

Umapila naman si Revilla sa mga kaibigan at sa publiko na tumulong sa bayanihan para sa mga kababayan na nawalan ng tahanan at ari-arian dahil sa bagyo.

Facebook Comments