Friday, May 22, 2026

Sen. Dela Rosa, pinasusuko na ng NBI

Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag si Senador Ronald dela Rosa na sumuko na.

Ayon kay Matibag, dalawang option lamang ang maaaring pagpilian ng senador.

Ito aniya ay kung kusa siyang susuko o aarestuhin ng NBI sa sandaling matunton siya.

Seryoso aniya kasi ang NBI na ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay dela Rosa.

Nilinaw rin ni Matibag na itu-turn over nila si dela Rosa sa Justice Departmemt sa sandaling mahuli nila ito, para sa tamang proceedings.

Kumpiyansa naman si Matibag na nasa loob pa ng Pilipinas ang senador dahil wala naman aniyang record sa Bureau of Immigration (BI) na lumabas na ito ng bansa.

Wala namang timeline ang NBI sa pag-aresto kay Dela Rosa.

Facebook Comments