Thursday, May 21, 2026

PBBM, hiningi ang tulong ng LGUs para maiparating sa publiko ang health programs ng gobyerno

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Local Government Unit (LGU) para mas maipaalam sa publiko ang mga health program ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, marami pa ring Pilipino ang hindi alam ang mga benepisyong maaari nilang makuha tulad ng Zero Balance Billing, dagdag na PhilHealth coverage para sa dialysis, cancer treatment at panganganak, at medical assistance para sa gamot.

Sinabi ni Pangulong Marcos na may mga pasyente pa ring hirap bumili ng gamot kahit may inilaan nang tulong ang gobyerno.

Dahil dito, hiniling niya sa mga lokal na opisyal na tulungan ang pamahalaan sa pagtukoy sa mga nangangailangan at pagpapaliwanag ng mga programang maaaring lapitan ng publiko.

Hinimok din ng pangulo ang mga LGU na tiyaking maayos na nagagamit ang pondo ng gobyerno para sa mga programa sa komunidad.

Facebook Comments