Sen. Dela Rosa: Sinapit ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon, mananatiling teorya hangga’t hindi nakikita ito

Hindi pa pwedeng magkaroon ng konklusyon sa kaso ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay Senator Ronald Bato dela Rosa, bagama’t may suspetsa siyang posibleng patay na ang beauty queen ay hindi pa rin ito matitiyak hangga’t walang pisikal na katawan na natatagpuan.

Aniya, hangga’t wala pa ang katawan ni Camilon ay mananatiling espekulasyon o teorya lamang ang sinapit nito.


Ang naturang beauty queen ay noong Oktubre pa ng nakaraang taon nawawala.

Matatandaang inimbestigahan ng mataas na kapulungan ang kaso ng pagkawala ni Camilon at ipinag-utos ni Dela Rosa ang pagpapa-subpoena sa primary suspect na si dismissed Police Major Allan de Castro na naging karelasyon ng beauty queen at si Jeffrey Magpantay na driver-bodyguard ni De Castro at itinuturong kasabwat sa kaso.

Facebook Comments