
Wala na sa ilalim ng “protective custody” ng Senado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, boluntaryong umalis ng Senado si Dela Rosa.
Sinabi ng senador na ang kanilang pinoprotektahan ay ang kasagraduhan ng Senado at hindi si Dela Rosa.
Gayunman, tulad ng ibang mamamayan ay may karapatan din si Sen. Bato at handa naman si Cayetano na protektahan ang kanyang karapatan kahit nasaan pa ang senador.
Nang matanong si Cayetano kung nasaan si Dela Rosa, hindi niya na alam at kung mag-isa na lamang ito ang sagot ng Senate president, pinagdarasal nila ang senador.
Samantala, sa naunang pahayag ni Cayetano, inamin niya na may nagbabalak na i-kudeta siya matapos ng mga nangyaring barilan kagabi rito sa Senado.










