
Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima na ang protective custody ay hindi para pagtakpan o patakasin ang aarestuhin.
Sinabi ito ni De Lima makaraang kumpirmahin ni Senate President Alan Peter Cayetano na nakaalis ng Senate building si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kahit ito ay nasa protective custody ng Senado.
Para kay De Lima, malinaw na ipinapakita ng nangyari na may mga duwag at kasabwat ng duwag sa pananagutan.
Si Dela Rosa na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ay sinasabing may kinakaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.
Facebook Comments










