Sen. Escudero, sinampahan ng reklamo sa Comelec

Nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) ang ilang abogado at pribadong indibidwal para magsampa ng reklamo laban kay Sen. Chiz Escudero.

Matapos sampahan sa Office of the Ombudsman si Sen. Escudero, nagtungo naman sa COMELEC ang political commentator na si Atty. Jesus Falcis kung saan naghain sila ng reklamong paglabag umano ng senador sa Omnibus Election Code.

Ito’y matapos tumanggap umano ang senador ng ₱30 million na campaign donation mula sa government contractor na si Lawrence Lubiano noong 2022 elections.

Si Lumbiano ang presidente at major shareholder ng Centerways Construction and Development Inc. na isa sa 15 kumpaniya na binanggit ng administrasyon na nakakuha ng malaking pondo sa flood control project.

Giit ni Jozy Acosta-Nisperos, founder ng The Silent Majority na kasamang naghain ng reklamo na ang gimawa nilang hakbang ay paraan upang mapanagot ang mga may sala sa palpak na flood control project.

HIling din ng grupo na istriktong ipatupad ang batas ng walang pabor at takot.

Nanawagan din sila na gawin ng Comelec ang kanilang mandato upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayang Pilipino.

Facebook Comments