Thursday, May 28, 2026

Sen. Imee Marcos, tinanggihan ang pagiging Senate Majority Leader

Inamin ni Senator Imee Marcos na inalok sa kanya ang Senate Majority Leader na posisyon matapos ang pagpapalit sa liderato at maupong Senate President si SP Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Sen. Imee, inalok sa kanya ang majority leader post dahil walang may gustong mag-majority.

Pero iginiit ng senadora na ayaw niya mag-majority leader dahil ma-trabaho at mahirap lalo’t maraming tao ang mainit ang ulo ngayon.

Tinukoy ni Marcos na mahirap ang trabaho ng isang majority leader dahil parte ng tungkulin ang makisuyo at makiusap sa minorya bukod pa sa palaging nakatayo at nakasalang sa plenaryo.

Sa kasalukuyan, si Senator Joel Villanueva ang kasalukuyang gumaganap na acting Senate Majority Leader.

Facebook Comments