
Patuloy na naka-monitor at namamahagi ng tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Parola Compound sa Binondo noong Sabado.
Sa pagbisita ni Manila Mayor Isko Moreno sa Delpan Evacuation Center, tiniyak nito ang agarang ayuda at suporta para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan upang makapagsimulang muli.
Bukod sa Manial Department of Social Welfare (MDSW) na nagbigay ng mga pagkain at inumin nakaantabay rin ang Manila Health Department para bantayan ang kalagayan ng mga evacuee partikular ang mga bata at senior citizen dahil sa matinding init ng panahon.
Target din ng lungsod na maipamahagi agad ang financial assistance sa mga biktima ng sunog.
Bukod dito, nakahanda rin ang national government na magbigay ng karagdagang tulong kung saan una ng namahagi ang DSWD ng Ready-to-Eat Food Packs sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
Batay sa datos ng MDSW, umabot sa 2,134 pamilya o katumbas ng 7,123 na indibiswal ang naapektuhan ng sunog na umabot sa Task Force Charlie ang alarma.










