Monday, May 25, 2026

PBBM, kukumustahin ang mga nasunugan sa Parola Compound, Binondo, Maynila

Dadalaw ngayong umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Delpan Evacuation Center sa Maynila para kumustahin ang mga residenteng naapektuhan ng malaking sunog sa Parola Compound sa Binondo.

Sa ngayon, nasa 500 pamilya o tinatayang 2,500 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center matapos mawalan ng bahay sa sunog.

Kasabay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang tig-₱10,000 ayuda para sa bawat pamilyang naapektuhan.

Kailangan lamang ng yellow card mula sa Local Government Unit (LGU), Department of Social Welfare and Development (DSWD) form, at valid ID para makuha ang ayuda.

Sa kabuuan aabot sa higit 2,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab nitong Sabado ng hapon.

Facebook Comments