Monday, May 25, 2026

PNP, handang magbigay ng seguridad sa mga pamilya ng missing sabungeros kasunod ng mga ulat ng panggigipit kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) para magbigay ng seguridad sa mga pamilya ng nawawalang sabungeros kasunod ng mga ulat ng panggigipit at pakikialam sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa nasabing kaso.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. , ang pagtulong ng pulisya ay hindi natatapos sa case build-up at sa pagsasampa ng kaso.

Nabatid na inakusahan ng mga kaanak ng mga missing sabungeros ang ilang mga indibidwal na umano’y konektado sa kampo ni Atong Ang na sinusubukan slang pigilan para dumalo sa mga pagdinig sa korte lalo na at lumalabas din sa ulat na unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga kaanak na dumadalo sa mga pagdinig.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng PNP para sa pagtugis kay Ang na syang itinuturing na mastermind sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Hinimok naman ni Nartatez ang mga kaanak ng mga nasabing nawawalang sabungeros na agad na ireport sa otoridad ang anumang paghaharass mula sa kabilang panig dahil ang prayoridad ng Pambansang Pulisya ang kaligtasan at ang pagkamit nila ng hustisya.

Facebook Comments