Tuesday, June 2, 2026

Sen. Jinggoy, puwede pang tumakbo sa halalan hangga’t walang final ruling mula sa Supreme Court — COMELEC

Maaari pa ring tanggapin ng Commission on Elections (COMELEC) ang certificate of candidacy (COC) ni Senator Jinggoy Estrada sakaling tumakbo ito para sa re-election sa 2028 elections.

Ito ang nilinaw ng COMELEC matapos arestuhin si Estrada na nakakulong ngayon dahil sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Sabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi pa awtomatikong disqualified si Estrada hangga’t wala pang magiging pinal na hatol mula sa Korte Suprema.

Alinsunod aniya sa desisyon noon ng Kataas-taasang Hukuman, hindi madidiskwalipika ang sinumang kandidato na may kaso nang hangga’t wala pang hatol na guilty sa kasong may kaugnayan sa moral turpitude.

Sa ngayon ay maaari pa raw tumakbo sa halalan si Estrada kahit maglabas ng hatol ang mababang hukuman dahil maaari pa itong iapela sa SC.

Facebook Comments