Tuesday, June 2, 2026

Ex-DPWH Sec. Bonoan, ibinalik muli sa PNP General Hospital

Ibinalik si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa PNP-General Hospital sa Camp Crame Quezon City,e ksaktong alas-4 ngayong hapon sakay ng isang ambulansya.

Nabatid na kanina ay nagtungo na ito sa Sandiganbayan para sa return of warrant nito para sa kasong plunder and graft.

Kung saan na-postponed ang kanyang arraignment.

Ayon sa Sandiganbayan clerk of Court, dahil nakapending pa ang motion nito for hospital arrest kung kayat mananatili muna ito sa ospital.

Binigyan naman ng 24 na oras ang persikusyon para magbigay komento sa mosyon ng kampo ni Bonoan.

Matatandaan na si Bonoan ay sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at dinala kahapon sa ospital ng Philippine National Police (PNP0 matapos tumaas ang blood pressure nito.

Facebook Comments