Sen. Leila de Lima, nagpasalamat sa mga business group na walang sawang sumusuporta sa kaniya

Nagpasalamat si Senator Leila de Lima sa mga business group na nagpaabot ng pakikiisa sa kaniya sa paglaban sa nararanasang panggigipit.

Ayon sa opposition senator, kasabay ng kaniyang ika-limang taon na pagkakakulong noong Pebrero 24 ay nagpapasalamat siya sa mga suportang natatanggap mula sa anim na business groups.

Ito ay ang Filipina CEO Circle, Integrity Initiative Inc., Judicial Reform Initiative, Makati Business Club, Philippine Women’s Economic Network, at Women’s Business Council Philippines.


Sabi ng senadora, malaking bagay ito para sa kaniya dahil patunay lamang ito na maraming nakakakita ng inhustisyang ginagawa sa kaniya ng administrasyon.

Una nang hiniling ng anim na grupo sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang mga nalalabing kaso laban kay De Lima dahil hindi anila umuusad ang mga kaso sa kabila ng mga personalid na nasa likod nito.

Facebook Comments