
Natukoy na ng mga awtoridad ang mga suspek sa nangyaring defacement ng official websites ng Senado at House of Representatives (HR).
Ito ang inanunsyosa joint presscon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kasalukuyan na nilang tinutunton ang mga suspek at tinitiyak nilang mapapanagot ang mga ito sa batas.
Aniya, bagama’t iisang grupo ang mga sangkot, iba’t ibang indibidwal umano ang nagsagawa ng hacking.
Pinawi naman ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pangamba ng grupo sa nangyaring security breach.
Tiniyak ni CICC Executive Director Aboy Paraiso na walang nakuhang sensitibo o confidential government data sa insidente
Ani Paraiso, hindi nakompromiso ang mga government data dahil nakahiwalay ang mga sistema ng pamahalaan.
Magugunita na unang may nnagyaring defacement sa website ng Senado noong June 11 habang isinunod din kinabuksan ang website ng House of Representatives.
Pero, ayon sa CICC, mabilis ding naibalik sa normal na operasyon ang parehong websites.










