Sen. Risa Hontiveros, hindi suportado ang panawagan ni dating Sen. Leila de Lima na magbitiw sa pwesto si VP Sara Duterte

Tutol si Senator Risa Hontiveros sa pahayag ng kaibigan niyang si dating Senator Leila de Lima na magbitiw na sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni De Lima, na panghihimok kay VP Duterte na bumaba na lang sa puwesto kung kokontra lang ito sa mga hakbang ng pamahalaan lalo na ang pagbuhay muli ng peace talks sa mga komunistang grupo.

Ayon kay Hontiveros, ang pagbibitiw ng sinumang cabinet official ay personal na nilang desisyon.


Ang bawat isang gabinete aniya ay nagsisilbi sa kagustuhan ng pangulo.

Paliwanag ng senadora, ang peace talks ay wala sa core competence ng portfolio ni Duterte bilang ito ay kalihim ng Department of Education (DepEd) Pamahalaang lungsod ng Quezon City, pinaalalahanan ang kanilang kababayan na maging mapagmatyag dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Todo paalala ngayon ang Quezon City Government sa kanilang mga residente na mag-ingat dahil na rin sa tumaas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Quezon City (QC) Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) Chief Dr. Rolando Cruz, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay posibleng dahil sa mga get-together at mga party ngayong Christmas season at ang mas maluwag na COVID restrictions gaya ng pagsusuot ng face masks.

Base raw sa datos ng nakamamatay na virus noong mga nakaraang taon, kapag sumasapit ang holiday season ay dito talaga tumataas ang kaso ng COVID.

Isa rin sa mga rason ng pagtaas ng kaso ay ang mas malamig na panahon na nakakaapekto sa immunity ng mga tao.

Kaya naman dapat daw bantayan ng mga QCitizen ang mga COVID-like symptoms gaya ng ubo, lagnat at sipon.

Hinimok din ni Mayor Joy Belmonte ang mga residente ng QC. na magpatupad ng personal precautionary measures gaya ng pagsusuot ng face masks sa publiko at pananatili sa loob ng bahay kapag nakaranas ng sintomas ng COVID.

Facebook Comments