
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ng pambansang pamahalaan ang Bangsamoro region upang mapalakas ang ekonomiya at mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon sa pangulo, palalawakin ng gobyerno ang oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa rehiyon.
Nangako rin siyang makikipagtulungan sa mga bagong halal na opisyal upang palakasin ang awtonomiya ng Bangsamoro.
Kasabay nito, pormal nang nagtapos ang pitong taong transisyon sa ilalim ng Bangsamoro Transition Authority at nagsimula ang unang regular na parliamentary government ng rehiyon.
Kinilala rin ni Marcos ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at mga lider na nagsikap na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Facebook Comments










