Thursday, August 27, 2026

Senado, inumpisahan na ang pagtalakay sa P7.2 trillion 2027 National Budget

Nagsimula na ang Senate Committee on Finance sa unang araw ng pagtalakay ng P7.2-trillion na pambansang budget sa 2027.

Sa briefing ngayong araw, humarap ang mga kasapi ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kabilang dito sina Finance Secretary Frederic Co, acting Budget Secretary Kim Robert de Leon, Department of Economy, Planning and Development (DepDev) Secretary Arsenio Balisacan at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr.

Sa pagsisimula ng budget briefing, sinabi ni Finance Secretary JV Ejercito na back to basic sila sa pagbuo ng budget para sa susunod na taon dahil sisiguraduhin nilang tutugon ito sa pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Ejercito na hindi nila papayagan na maulit ang mga pagsasayang at pagwawaldas sa pondo ng bayan.

Pagdating sa imprastruktura, iginiit ng senador na hindi pira-piraso kundi pangmatagalan at komprehensibong infrastructure masterplan na magkukunekta sa mga lansangan, railways, seaports at mga komunidad.

Mahigpit na ipagbabawal ang anumang last minute insertions sa Bicameral Conference Committee o BICAM.

Ipagpapatuloy ang livestreaming ng bicam deliberations at pananatilihin ang senate budget transparency portal kung saan makikita ng publiko ang mga budget documents mula sa proposal hanggang sa mga pag amyenda at tuluyang pagsasabatas.

Dagdag dito ay ipapatupad pa rin ang Anti-Epal Provision o pagbabawal na ibandera ang pangalan ng mga politiko sa mga proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments