Senator Lacson, umaasang magtitino ang mga Caloocan police na ihaharap sa mga ralyista

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Panfilo Ping Lacson na magiging maayos at matino ang mga sinibak na Caloocan police sa kanilang pagharap sa mga ralyista ngayong araw.

Pahayag ito ni Lacson makaraang i-anunsyo ni National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde na kasama ang mga sinibak na Caloocan police na ide-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng malawakang kilos protesta ngayong araw.

Naniniwala si Lacson na magiging maingat na sa kanilang kilos at asal ang mga sinibak na Caloocan police dahil sa pagkaksangkot sa mga kaso ng pagpatay at nakawan.


Facebook Comments