
Inatasan ng Senate Impeachment Court ang House Prosecution Panel at ang defense team ni Vice President Sara Duterte na magsumite sa June 22, 2026 ng kanilang mga komento.
Ayon kay House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, patungkol ang komento sa stipulation process hinggil sa impeachment case laban kay VP Duterte.
Inihayag ito ni Adiong matapos ang pre-trial conference na ginanap kahapon na aniya’y maayos na naisagawa.
Diin ni Adiong, ang matagumpay na pre-trial conference ay nagpapakita ng tuluyang pag-usad ng impeachment process batay sa patakaran at sa itinatakda ng Konstitusyon.
Facebook Comments










