Senator Pacquiao, umaasang aaksyunan ng WBO ang hiling ng games and amusement board

Manila, Philippines – Umaasa si Senador Manny Pacquiao na aaksyunan ng World Boxing Organization o WBO ang hiling ng Games and Amusement Board o GAB na i-review ang video ng kanyang laban at ni Jeff Horn nitong July 2.

Ayon kay Pacquiao, tanggap niya ang desisyon ng mga judges na nagdi deklara kay horn bilang panalo.

Gayunpamanan, ipinunto ni Pacman na bilang isang leader at fighter ay mayroon siyang moral obligation na pangalagaan ang sportsmanship, katotohanan at pagiging batas sa mata ng publiko.


Kaisa din sa ang senador sa layunin ng GAB na mapanatili ang intres ng mamamayan sa boxing.

Binigyang diin ni Senator Pacquiao na mahal nya ang boxing kaya ayaw niya na makita itong namamatay dahil sa hindi patas na desisyon at pamamahala sa mga laban.

“WBO should take appropriate action on the letter sent by the Games and Amusement Board (GAB) so as not to erode the people’s interest in boxing. On my part, I had already accepted the decision but as a leader and, at the same time, fighter I have the moral obligation to uphold sportsmanship, truth and fairness in the eyes of the public. I love boxing and I don’t wanna see it dying because of unfair decision and officiating,” paliwanag ni Pacquiao.

Facebook Comments